Habang patuloy na naapektuhan ang maraming pamilya ng pandemya, ipinakilala ng Quezon City Government ang isa na namang programang pangkabuhayan para sa mga unemployed QCitizens.
Inilunsad ng Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) sa pakikipag-collaborate ng Office of the City Mayor Office of the City Administrator, Sustainable Development Affairs Unit, Social Services Development Department, at ang QC Public Employment Service Office ang “Pangkabuhayang QC” na isang livelihood training at financial assistance program para sa mga residente na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
“Unfortunately, aside from the presence of the COVID-19 virus, unemployment is also one of our concerns for the people of Quezon City. Through this new Pangkabuhayang QC program, we can help our residents provide for their families and slowly improve their circumstances,” ayon kay Mayor Joy Belmonte.
Kasabay ng paglulunsad nito, pinalawig din ang tulong pinansiyal sa 200 benepisyaryo na binubuo ng mga hog raisers, sewers, vendors, farmers, parents of children with disabilities at jeepney drivers, habang ang iba ay sumalang sa screening process para sa qualification.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA