November 24, 2024

668 NAVOTENOS NATANGGAP NA ANG 2ND TRANCHE SAP

Natanggap na sa wakas nang nasa 668 Navoteño families ang kanilang second tranche ng Social Amelioration Program.

Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)–National Capital Region, sa koordinasyon sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ay ipinamahagi na ang P8,000 emergency cash assistance nitong Biyernes.

“The wait is over. After more than a year, 668 families have now claimed their Bayanihan 1 second tranche. This is just the beginning though. We will continue to work with the DSWD until all qualified Navoteño beneficiaries have received their cash aid,” ani Mayor Toby Tiangco.

Noong nakaraang December, sumulat si Tiangco kay DSWD-NCR Director Vicente Gregorio Tomas at tinanong kung bakit ang ilang beneficiaries ay hindi naibukod sa payroll ng pangalawang tranche ng SAP.

Nagpadala ang alkalde ng kabuuang 51 sulat na naglalaman ng 4,382 mga pangalan ng mga beneficiary na nagsabing hindi nila natanggap ang kanilang emergency cash subsidy.

Si Tiangco, kasama ang ilang depertment heads ng lungsod ay nakipag-diyalogo sa mga opisyal ng DSWD upang maayos ang usapin.

Sa isang pagpupulong kay DSWD Sec. Rolando Joselito Bautista at iba pang pangunahing personalidad ng DSWD noong Agosto 9, nalaman ng lungsod na 668 sa mga benepisyaryo ay walang kumpletong datos ngunit karapat-dapat na makatanggap ng cash aid.

Nakatanggap ang 614 ng iba pang mga form ng emergency subsidy; at 3,100 iba pa ay sumasailalim sa huling validation ng ahensya.