December 23, 2024

HIGIT SA 1000 PWDS NABIGYAN NG QCITIZEN ID

SINIMULAN na ng lokal na pamahalaan ng Quezon city ang pamamahagi ng identification cards sa mahigit 1000 person with disability sa lungsod.

Ang QCiitizen ID na inilusad noong Enero ay unified ID para sa lahat ng residente ng lungsod.


Papalitan ng QCitizen ID ang existing senior citizen, solo parent, at persons with disability ID.

“As we start distributing QCitizen IDs, we are hoping to collect more comprehensive data about our residents that belong to different sectors, so that we can tailor-fit services to their needs and ensure that the city’s resources are distributed more equitably,” saad ni Mayor Joy Belmonte.

Ang mga rehistradong PWDs ay may karapatang makakuha ng libreng PhilHealth membership na inisponsoran ng lokal na pamahaaan bilang mandato sa Republic Act 11228.


Bago makakuha ng QCitizen ID, kailangang magrehistro muna ang mga PWD online sa pamamagitan ng QC E-Services Portal o pag-fill out ng application sa kanilang barangay.

Ayon kay Persons with Disability Affairs Office Head Renato Cada, target ng lungsod na mairehistro ang lahat ng projected 74,073 PWDs para mabigyan ng QCitizen ID sa susunod na taon.

“Ang mga nakatalaga nating PWD focal person kada barangay ang kumu-kontak at nag-aasikaso sa mga PWD sa kanilang nasasakupan para makapag-register na sa QCitizen ID dahil eventually pwede na nila itong magamit para ma-avail nila ang benefits at discount nila,” paliwanag ni Cada.

Maari ring kamuha ng QCitizen ID ang mga residente ng QC at sa mga nagtatrabaho o nag-aaral sa siyudad sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa  https://qceservices.quezoncity.gov.ph/.