November 24, 2024

PH NAGLUNSAD NG 2 SATTELITE


Nagpadala ang Pilipinas ng dalawa pang cube satellites (CubeSats) – Maya 3 at Maya 4 – sa International Space Station (ISS) ngayong araw.

Nilisan ng CubeSats ang planetang Earth sakay ng Space X Falcon rocket sa isang Dragon C208 bilang bahagi ng Space X Commercial Resupply Mission-23.

“In addition to approximately 1,000 kilograms of science experiments riding aboard the spacecraft, the crew can look forward to assortments of cheese, ice cream, and veggies,” ayon sa National Aeronautics and Space Administration said on Facebook.

Darating ang Dragon sa ISS sa Lunes.

Hindi natuloy ang inisyal na paglulunsad kahapon dahil sa masamang panahon sa Florida, United States.

Ang Maya-3 at Maya 4 ay kabilang sa unang university-built satellites sa bansa. Bawat isa ay tumitimbang ng 1.15 kilogram at may sukat na 10 centimeters (cm) by 11.35 cm sa stowed stated na may RGB camera at Near-Infrared (NIR) camera upang mapitikan ng larawan ang general visual assestment ng landmass at mga katawan ng katubigan.