Nagteam-up sina Stephen Curry at ang misis na si Ayesha para ikasa ang isang scholarship program. Ito ay para sa women’s athletic sa Davidson College. Ang nasabing kolehiyo ay alma matter ng Golden State Warriors star. Na kanyang pinondohan para sa pagpapalinang ng women’s sports.
Mayroong 26 scholarships sa mahigit 200 female athletes sa campus. Umaasa si Curry na magbibigay din ang iba alumnus at sponsors upang paigihin ang sports para sa mga kababaihan.
“This one hits home…@ayeshacurry & I are excited to announce the Curry Family Women’s Athletics Initiative aimed at helping close the inequity gap in women’s sports starting with @DavidsonCollege. It’s on all of us to help female scholar-athletes keep shining. Let’s goooo Cats!” saad ni CUrry sa kanyang Twitter account.
Ang 33-anyos na si Curry ay lalaro sa kanyang 13th NBA season. Ipinagmamalaki ng Davidson ang 2-time MVP at 3-time leagu champion dahil sa pagtulong nito sa programa ng mga babaeng atleta.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo