Isandaan at dalawampu’t tatlong taon na ang nakalilipas muna nang makalaya ang Pilipinas sa mananakip na Kasitla. Matagal na ring panahon mula nang unang iwagayway ang banding Filipino sa balkonahe ng bahay ni Gen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Hindi maipaliwanag ang kasiyahang nadama ng mga Filipino nang iwagayway ang bandila kasabay ang pagtugtog ng Pambasang Awit. Malaya na nga sa mang-aaliping Kasitla.
Pagkalipas ng 123 taon, sinong mag-aakalang meron pa rin palang mang-aalipin sa bansang ito. Sino ang makapagsasabi na susulpot ang mga pulitikong sakim sa kapangyarihan at guguluhin ang sistemang nakamulatan.
Ngayon hinihingi ng mamamayang Filipino na makalaya sa mga ganid na politiko na nagsabing pagod na sila pamunuan ang bansa pero heto’t tuloy na ang pagtakbo sa pagka-vice president sa susunod na halalan.
Mga mamamayan na simpleng lang ang gusto – ang maging maayos maayos na takbo ng pamumuhay.
Sawang-sawa na ang taumbayan na sa mga ganid na politiko na walang ibang inisip kundi pansarili nilang kapakanan.
Sukdulan na ang kanilang kasakiman sa kapangyarihan. Kaya, kasapakat ang kanyang mga galamay, naghahangad siyang tumakbo muli para sa pansariling interes.
Marami ang naniniwala kaya nais nilang manatili sa kapanyarihan dahil nakikinabang sila sa malawakang korapsyon at imonoploya ang kapangyarihan.
Natauhan na ang mamamayang Filipino at hindi na magpapabola sa mga ganid na pulitiko at baka matawag pa silang na ‘istupido’. Hindi malayo na magkapit-bisig na ang sambayanang Filipino sa paparating na halalan para palitan ang mga ganid na pulitiko dito sa ating bansa.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY