Parang nakaraos lang si WBA welterweight champion Yordenis Ugas sa naging laban nito kay Sen. Manny Pacquiao. Kahit na natalo niya ang legendary Filipino boxer, hindi siya 100 porsiyentong masaya.
“Alam ni Ugas na liyamado na siya sa laban. Pinaghandaan niya ito ng husto. Kaya, confident siya. Kahit na nanalo siya, medyo malamig ang pagtanggap ng boxing community,” sabi ni Atty. Rex Tapsadan, isa ring referee.
“Yung sa laban, parang nakikita nating kulang sa gana si Manny. Kasi, si Spence ang pinaghahandaan niya, tapos hayun nga, may nangyari. Replacement si Ugas. Mas may advantage ang replacement dahil pag-aaralan ka pa ng makakalaban mo. Samantalang siya, medyo may background ka na. Isa pa, may edad na si Pacquiao. Ang ginawa ni Ugas, parang nag-aabang lang. Gumana naman ang game plan niya.”
“Inirereklamo ni Pacquiao yung cramps niya kaya di niya makagawa yung footwork speed. Pero, no excuses. Aminado si Pacquiao, kinapos siya. Marunong lang tumanggap ng pagkatalo. Bahagi yan ng boksing,” aniya.
More Stories
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
PINAKAMALAKING BUWAYA SA BUONG MUNDO, PUMANAW NA