September 20, 2024

PAOLO CONTIS, LJ REYES HIWALAY NA (Kinumpirma ni Lolit Solis)

KINUMPIRMA ni Lolit Solis na naghiwalay na sina Paolo Contis at LJ Reyes matapos ang anim na taong pagsasama.

Walang third party na kasangkot sa paghihiwalay ng dalawa, pero ang kanilang pag-iibigan ay “fizzled out” na, ayon sa talent manager ni Contis na Solis sa kanyang Instagram kahapon, Agosto 22.

“Walang [third] party sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes. It was a matter of na-outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon,” sabi ng talent manager, kung saan ibinahagi niya ang larawan ni Contis na kasama si Yen Santos.

Dagdag pa ni Solis na mas piniling maghiwalay nina Contis at Reyes kaysa mag-away sila, at umaasa rin sila na pagdating sa huli, magkaibigan pa rin silang dalawa.

“Huwag na natin idamay pa si [Yen] Santos dahil may sarili siyang love story. Kaya hindi siya kasali sa love life nila Paolo at LJ,” aniya.

Kamakailan, gumanap sina Santos at Contis sa isang pelikula na “A Faraway Land” kung saan doon nagsimulang napaisip ang mga fans na si Santos ang dahilan ng break-up.

Pinagsabihan ni Solis ang mga fans na huwag magdagdag ng mga “subplots” sa hiwalayan at iwasan gawing “horror story” sa hiwalayan ng mga artista.

“Ganuon lang iyon, nawala ang romance. Stop, bago maging horror story,” sabi niya.

Hindi pa inaddress nina Contis at Reyes ang isyu patungkol sa kanilang hiwalay sa publiko, (as of this writing).