November 23, 2024

RESUMPTION NG PBA SEASON SA PAMPANGA, MAY GO SIGNAL NA

Maari na umanong bumalik ang mga PBA games makalipas ang walong araw makaraang aprubahan na ng lokal na pamahalaan ng Pampanga na doon na gawin ang pagpapatuloy ng torneyo at practices ng mga games.

Ito ang inanunsiyo ngayon ni Commissioner Willie Marcial matapos na magbigay ng kanyang go-signal si Pampanga Governor Dennis Pineda na payagan na ituloy doon ang PBA Philippine Cup kung saan magsisilbing venue ang Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, Pampanga.

Kung maalala una nang pinatigil ang PBA games noong Agosto 3 dahil sa pangamba sa Delta variant at pagsasailalim sa Metro Manila sa ECQ.

Sa ngayon pinaplantsa na lamang ng PBA ang kasunduan sa pamunuan ng unibersidad para sa resumption ng mga laro.

Sinasabing nagsimula na ring bumiyahe ang mga PBA teams patungong Pampanga kung saan kabilang sa kanilang sentro ng mga praktis ay ang Angeles University Foundation sa Angeles City, ang Beverly Place sa Mexico, Pampanga ata ng Colegio De Sebastian sa San Fernando.

Nitong nakalipas na Sabado ay sumailalim na sa COVID-19 tests ang mga players.