Sa Setyembre na iaanunsiyo ni Filipino boxing champ at ngayo’y Sen. Manny Pacquiao ang plano nito para sa 2022 elections.
Isinagawa ni Pacquiao ang pahayag sa isang panayam matapos ang kanyang laban kay Yordenis Ugas, na nanalo via unanimous decision.
“I will make a final announcement next month,” tugon ni Pacquiao nang tanungin kung tatakbo siyang pangulo sa 2022.
Alam ni Pacquiao na may kakaharapin pa siyang laban sa politika pag-uwi niya sa Pilipinas.
Matatandaan na ilan sa mga miyembro ng PDP-Laban party ang nakagarian ng senador nang magkaroon sila ng world war ng chairman ng partido na si Pangulong Rodrigo Duterte.
“But I want to help the people, I want to help them,” saad niya.
Kamakailan lang ay tinanggal si Pacquiao bilang acting president ng PDP-Laban at pinalitan ni Energy Sec. Alfonso Cusi, na sinuportahan ng mga miyembro ng partido na nagtutulak sa sa pagtakbo ni Duterte bilang vice president sa 2022.
Matatandaan din na binalaan siya na maaring mapatalsik bilang miyembro ng partido matapos umano nitong iulat na sinisimulan na niyang gawing national party ang regional party nito na People’s Champ Movement (PCM).
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM