September 20, 2024

GERALD KAY JULIA: SHE’S THE ONE (Umaasang mapapatawad ni Bea)

Sa isang ABS-CBN Entertainment interview kasama si Boy Abunda – at ang kanyang mga co-star sa “Init ng Magdamag” na sina Yam Concepcion at JM De Guzman, nag-open si Geral Anderson kaugnay sa kanyang panibagong personal na buhay.

Sinagot ng aktor ang mga taon tungkol sa kanyang ex-girffriend na si Bea Alonzo at kasalukuyang karelasyon na si Julia Barretto.

Sa ini-upload  video sa Youtube noong Biyernes ng gabi, naging topic ni Abunda ang nakaraang kontrobersiya ni Anderson.

“I think kailangan kong pagdaanan yan para makarating ako dito sa state kung san ako ngayon sa sitwasyon ko. Syempre, kung pwedeng hindi dumaan sa ganung klaseng sitwasyon [sana hindi nalang] but that’s life,” sagot ng aktor kay Abunda, na sinabing nasa maayos na kalagayan na ngayon si Anderson.

“Hindi ko naman masasabi kung anong mangyayari, or hindi ko na po mababago yung nangyari (I can’t say what will happen or I can’t change what happened). As much as I wish I could, hindi ko na po hawak yun (I am no longer in control). So I can just absorb and learn and just move on with life kasi (because) that’s what life is about – it’s falling down pero (but) getting back up,” pagpapatuloy ni Anderson.

Tinanong din ni Abunda kung nakikipag-ugnayan pa siya sa kanyang ex-girlfriend na si Bea at kasalukuyan nitong boyfriend na si Dominic Roque. “More siguro kay Bea, wag na po siguro tayo mandamay ng ibang tao. I really hope na  she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. But nagho-hope lang po ako.”

Sa huli, tinanong din ni Abunda kung hindi na ba ni Anderson ang kamay ng girlfriend ni Barreto para magpakasal. Sa nakaraang interview, sinabi ng aktres na handa na siyang magkaroon ng isang pamilya sa murang edad.


“Alam mo Tito Boy, gusto ko sagutin yan talaga. And siguro, alam niyo po yung isasagot ko diyan. But dahil siguro she’s still very young and ang dami pa niyang mai-o-offer sa industriya natin. And ang dami pa niyang ipapakita sa inyo, sa audience natin. So ayoko maging hadlang.”

Pero sa follow-up question ni Abunda kay Anderson kung pakakasalan niya si Barretto, hindi na nag-alinlangan pang sagutin ni Anderson na, “She’s the one.”