November 24, 2024

ISKO MORENO, STABLE NA ANG KONDISYON (Nawalan nang panlasa at pang-amoy)

NAPAULAT na nawalan na ng panlasa at pang-amoy si Manila Mayor Isko Moreno dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa opisyal ng Sta. Ana Hospital kung saan siya naka-confine.

“Our Honorable Mayor, on his 5th hospital day, has reported loss of smell and taste which is part of the Covid-19 disease spectrum,” saad ni  Dr. Grace Padilla, OIC hospital director, sa isang medical bulletin.

Mayroon rin siyang bahagyang pananakit ng katawan na nasa Grade 2/10 na lamang buhat sa dating 4/10.  Hindi na siya uminom ng pain reliever sa buong mag­hapon, ayon kay Padilla.

Sa kabila nito, nananatili naman na maayos ang pag-kain ng alkalde, kumportable pa rin at maayos na nakapagpapahinga. Agosto 15 nang magpositibo si Moreno sa COVID-19.

Samantala, nakalabas na ng nasabing ospital nitong Huwebes si Manila Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan nang matapos nito ang 12 araw na gamutan makaraang mauna itong tamaan ng nakamamatay na sakit.