Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paglalagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region at Laguna simula Agosto 21 hanggang Agosto 31 habang ang Bataan ay nasa MECQ din mula Agosto 23-31.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi pa rin pinapayagan ang mga indoor at al-fresco dine-in services ganun din ang mga personal care services kabilang ang beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas sa NCR at Bataan.
Lahat ng mga religious gatherings ay mananatiling virtual sa NCR, Bataan at Laguna.
Pinayuhan din ng IATF ang mga nabanggit na local government unit na paigtingin ang kanilang vaccination rates, Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategies at patuloy ang pagpatupad ng minimum public health standards.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR