NAGING matagumpay ang dalawang araw na Vaccine Express ng Office of the Vice President at ng lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Robisons Novaliches Open Parking sa naturang lungsod.
Umabot 3,162 tricycle drivers, jeepney drivers at delivery riders ang nabigyan ng bakuna laban sa COVID-19.
Bukod sa bakuna, nabigyan din ang mga nabakunahan ng post-vaccination care kit, P500 gift check ng groceries at iba’t ibang mga item sa kabutihang loob Angat Buhay partners ng OVP.
Kapwa nagpapasalamat si VP Leni Robredo at Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga medical professionals at mga estudyante na nagboluntaryo para sa inisyatibo.
Kapwa binigyang diin ng mga opisyal ang kahalagahaan ng pagbabakuna sa mga driver at delivery riders.
“Ang exposure kasi ng ating mga drivers talagang malaki—ang exposure nila sa mga customers, sa mga restaurants na binibilhan nila ng pagkain, sa pang-araw-araw na pakikibaka nila sa paghanapbuhay,” saad ni VP Leni. “Nakikita natin na bawat oras na nagtatrabaho sila, napakahalaga para sa pagbuhay ng pamilya nila. So kailangan talaga silang proteksyunan.”
“Tricycle and jeepney drivers and the delivery riders have to get vaccinated because they ferry our workers to work and deliver their food and essentials especially during this ECQ. It protects them, passengers and customers, and their families from infection,” sambit naman ni Mayor Belmonte.
Nagpaabot din ng pagbati si Mayor Belmonte sa Office of the Vice President at Robinsons Mall para sa partnership ng vaccination rollout.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY