September 20, 2024

ARCI MUÑOZ BINISITA SI PACQUIAO SA LA

Pinasyalan ni Arci Munoz sa kaniyang training si Filipino boxing champion Manny Pacquiao.

Sa knaiyang social media, ibinahagi ng actress ang mga larawan habang kasama ang fighting senator.

Binigyan pa nito ang actress ng boxing gloves na pinirmahan ni Pacquiao.

Isa lamang ang actress na bumisita sa boksingero dahil noong nakaraang mga araw ay binisita ito ni Apl d App, basketbolistang si Klay Thompson, YouTuber Logan Paul at si Alex Hirschi o kilalang Supercar Blondie.

Kasalukuyang nasa training si Pacquiao para sa nalalapit na laban nito kay Errol Spence Jr sa Agosto 22.