INANUNSYO ng St. Luke’s Medical Center ngayong Lunes na puno na ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) wards sa mga branch nito sa Quezon City at Taguig City.
Sa isang pahayag na ipinoste sa social media page nito, sinabi ng naturang ospital na may ilan pang mga pasyente sa kanilang emergency rooms ang naghihintay na ma-admit.
Hinimok ng ospital ang mga pasyente na may sintomas ng COVID-19 na pumunta na lang muna sa ibang ospital para magpagamot.
Umapela rin ang ospital sa publiko na patuloy na sundin ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa komunidad.
Una ng sinabi ng Department of Health patuloy ang pagsirit ng bilang ng kaso ng COVID-19, dahil sa mas nakakahawang Delta variant ng virus.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY