Lumapag na ang eroplano na sinasakyan ng Olympic Silver medalist na sina Nesthy Petecio, Carlo Paalam at ang Bronze medalist na si Eumir Marcial sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dakong alas-4:27 ng hapon.
Kasama nila ang atletang si Irish A. Magno.
Ayon kay Philippine Airlines spokesperson Cielo Villaluna, inasitehan ang apat na atleta ni Japan airline’s Japan Country Manager Tomoyuki Nagao sa Narita Airport. Sila ay nasa business class.
“We are happy and proud to carry all of you onboard – it is an honor and a privilege to bring home to Manila the country’s pride and the flag carrier’s latest ‘Forever Flyers,'” saad ng PAL sa isang pahayag.
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR