Ilang araw na lang at uupak na si Sen. Manny Pacquiao kontra Errol Spencer Jr. Magaganap ang sagupaan ng dalawa sa hari ng welterweights sa August 21, 2019.
Sa kanyang pag-upak muli sa lona, may ramdam na presyur sai Pacquiao. Gayunman, Ganado at nais na dugtungan ang selebrasyon ng Pilipinas. Kasi, sumungkit ng 4 na medals ang bansa sa Tokyo Olympics. Pinakarami sa nakalipas na 89 taon.
“Pressure si Manny, kasi masaya ang mga Filipino sa performance ng mga atleta natin. Nakakatuwa. Pero, nais pa niyang mag focus pa. Para madugtungan ang saya ng mga kababayan natin,” ani ng isang source sa Team Pacquiao.
Kaugnay sa laban niya kay Spence, dehado sa edad si Pacman. Pero, huwag daw pakasisiguro ang American boxer.
“Si Manny naman, siya yung boxer na nilalabanan yung mga the best. Hindi gaya ng iba. Challenge sa career niya ang laban kay Spence. Gagawin nya lahat para sa sambayanang Pilipino,” ani ng trainer na si Buboy.
Mas nais partunayan si Pacquaio kahit na siya’y edad 42-anyos na.
“Oh yeah, it’s a challenge that they might think, ‘Oh, Manny’s career is over and he’s old, so it’s something I need to prove, I’m not done yet,” aniya sa Fight Hub TV.
“I can easily fight an easy opponent or non-boxers. I can easily pick an easy win, but I pick the best because I want to add more to my legacy of accomplishment,” aniya.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI