Upang masigurado na ang mga violators ng health at quarantine protocols sa Navotas ay agad matest sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), pinalawig ng Pamahalaang Lungsod ang oras ng trabaho ng community testing facility sa Navotas Sports Complex.
Ang facility ay nagawang makapagsagawa ng libreng RT-PCR swab test ng 24 hours kada araw.
“Prompt and timely swab testing of individuals–whether violators, close contacts or at risk of being infected with the virus–is one of our strategies to limit the spread of COVID-19,” ani Mayor Toby Tiangco.
“Nine out of 17 Metro Manila cities have cases of the Delta variant. In Navotas, cases have also skyrocketed and although we have yet to confirm that we have the said variant, we are operating as if we have it already,” dagdag niya.
Nauna rito, nagpasa ang Navotas ng City Ordinance No. 2021-17 imposing a mandatory RT-PCR swab test bilang parusa sa mga lumabag sa safety protocols kabilang ang curfew, hindi pagsuot ng face mask, at social distancing.
“Those who violate the protocols, even at the wee hours of the morning, will be brought directly to the sports complex to undergo swab test, unlike before when they had to wait for the next day to be swabbed. The lapse of time gave violators the chance to evade penalty and, if they are virus carriers, spread the disease in their households,” sabi ni Tiangco. Hanggang August 3, nakapagtala ang Navotas ng 11,658 mga kaso, 10,887 dito ang mga gumaling, 389 ang active at 382 ang mga namatay.
More Stories
KAMARA IKINULONG CHIEF OF STAFF NI VP SARA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo
5 tiklo sa P311K droga sa Caloocan