Magbubulsa ng sureball na P35.5-million si Hidilyn Diaz dahil sa kanyang historic win sa Tokyo Olympics. Nabuhat ni Diaz ang gold medal sa weightlifting event sa women’s 55 kg class.
Naibigay ng sensational Pinay weighlifter ang first ever official gold medal para sa Pilipinas.
Matagumpay na nabuhat ni Hidilyn ang 127kg sa kanyang final attempt.
Na ito ang new Olympic record sa clean and jerk. Sa kabuuan, nabuhat ni Diaz ang 224 kg. Na mas lamang kay silver medalist Liao Qiuyun ng China.
Nakuha naman ni Zulfiya Chinsanlo ng Kazakhtan ang boronze sa 213 kg na nabuhat nito.
Sa kanyang pag-uwi sa Miyerkules, naghihintay sa kanya ang malaking cash incentives. Una, ang P10-million mula sa gobyerno. Ikalawa sa San Miguel Corporation at sa MVP Foundation na kapwa P10 million din ang ibibigay.
Ang P3 million na dagdag ay mula naman kay Rep. Mikee Romero ng Northport. Ang Zamboanga province naman ay magbibigay ng P2.5-million.
Pero, hindi lang ito ang inaasahan ni Hidilyn. Tiyak na bubuhos ang marami pang cash incentives.
” Siyempre, gold medal yun. Historic. Nakaka-proud talaga. Tiyak na mabibiyayaan si Hidilyn ng higit pa,” saad ng kampo nito.
Ayon pa sa kampo ni Diaz, tiyak na may mga private sector ang magbibigay. HIndi lamang cash. Kundi, ng iba pang token gaya ng kotse o anupaman.
“But more important is that Hidilyn wants to be with her family who she hasn’t seen for more than one and a half years now,” ani POC President Bambol Tolentino.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna