November 24, 2024

PH ROWER CRIS NIEVAREZ, LUMIPAD NA PATUNGONG TOKYO, UNANG SASALANG SA OLYMPICS SA JULY 23

Lumipad na si PH rower Cris Nievarez patungong Tokyo para sa kanyang maiden olympic stint. Si Nievarez ang unang atletang Pinoy na sasalang sa Tokyo olympics sa rowing event sa July 23. Sasagwan siya sa opening event sa Men’s Single Sculls o M1X.

Inihayag mismo ng Philippine Rowing Association at ng POC ang pag-alis ni Nievarez ngayong araw. Kasama nito ang kanyang coach at ilang officials ng PRA.

Nagkaroon ng ticket sa olympic si Nievarez sa basbas na rin ng World Rowing Federation (WRF). Kasama sa listahan ng WRF si Nievarez ng mga qualified rowers para sa quadrennial meet.

Nitong nagdaang mga buwan, sumali si Cris sa Olympic qualifying event. Nagtapos siya ng fifth place sa semifinals. Ang tatlong top finishers ang pumasok sa Final A. Kung saan, magbibigay ito ng otomatikong pasaporte sa olympics.

Gayunman, pinalad siya na mapasama sa list dahil sa kanyang Top 5 finished sa qualiying. Gayundin sa 4 sa limang na napanalunang Asia regatta qualifying events

Si Nievares ay nakasungkit ng gold medal noon sa 2019 Manila SEA Games sa rowing event.