November 2, 2024

TAGUIG BAKUNA NIGHTS, UMARANGKADA NA

SINIMULAN ng Taguig City Government ang Taguig Bakuna Nights, ang programa na hanggang hatinggabi na pagbabakuna na layuning maturukan ng bakuna kontra COVID-19 ang sektor ng manggagawa na kabilang sa kategoryang A4 sa lungsod.

Sinabi Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang pinalawig na oras sa bakunahan na 6:00 ng gabi hanggang 12:00 ng hatinggabi ay naglalayong maaccommodate o maabot ang mas maraming mga manggagawa na hindi kayang bumisita sa vaccinatination sites sa tuwing office hours at hindi makapagliban sa kanilang trabaho.

“Mahigit 1,000 hanggang 1,500 buhay ang naisasalba araw-araw dito sa Taguig BGC High Street Mega Vaccination Hub,2nd  Floor B7-Lane P, BGC Brgy. Fort Bonifacio at bahagi pa rin ito sa ligtas, mabilis at accessible na vacination sa lungsod,”pahayag ng alkalde.

Kasama sa mga mabibigyan ng libreng bakuna ang mga waiter, musician, artist, may ari at empleyado at ng restobar upang maibalik na ang sigla ng industriya ng negosyo sa lungsod.

Kaugnay nito,may libreng sakay at hatid naman ang mga nabakunahan sa Taguig Bakuna Nights pauwi sa kani kanilang tirahan upang matiyak ang kanilang seguridad at kaligtasan sa tulong ng mahigpit na pagbabantay ng mga pulis sa presinto ng BGC.

Bukod rito itinatampok din sa midnight vaccination ang live performance ng mga local artist at performers bilang suporta sa informal entertainment sector na matinding naapektuhan ang kanilang kabuhayan dulot ng pandemya.