Maaring maikonsidera ang pilot face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic kung nabakunahan na kontra COVID-19 ang mga estudyante at guro sa Agosto, ayon kay Education Secretary Leonor Briones.
Nauna nang tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mungkahi ng Department of Education (DepEd) na payagan na ang resumption ng in-person classes dahil karamihan sa populasyon ay hindi pa fully vaccinated kontra COVID-19, lalo na ang mga bata, na hindi naman pasok sa prayoridad ng pamahalaan sa vaccination program nito.
Pero sinabi ngayon ni Briones na tiniyak naman ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na susubukan ng pamahalaan na mabakunahan ang mga bata pati na rin ang kanilang guro.
Gayunman, ang Presidente pa rin naman aniya ang magdedesisyon sa huli kung papayagan na ba o hindi ang in-person classes.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA