November 22, 2024

PNP SINUSPINDE ANG BODY FAT REQUIREMENT

Inaprubahan na ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang rekomendasyon ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na suspindihin ang requirement ng Body Mass Index (BMI) para sa promotion ng mga pulis.

“I already approved it,” mensahe na ipinadala ni PNP chief Eleazar.

Sa memorandum na inilabas ni M/Gen. Rolando Hinanay ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM), inirekomenda nito sa pamunuan ng PNP na suspendihin ang requirement ng BMI para sa promotion ng mga pulis.

Paniwala ni Hinanay, mas prayoridad nila ang kalusugan at kapakanan ng kanilang mga tauhan.

Paliwanag ng heneral, marami sa mga pulis ngayon ang hindi kayang maabot ang kanilang BMI o tamang timbang dahil sa kawalan ng exercise nang magsimula ang pandemic.

Ang mga nasa frontline sa mga checkpoint at oolice stations ay hindi rin kayang i-mantine ang kanilang BMI dahil sa kanilang trabaho nang tumama ang COVID 19.

Hindi rin umano inirerekomenda ang biglaang pagpapayat para lang makuha ang nararapat na BMI dahil delikado ito sa kalusugan ng mga lulis.

Aminado ang pamunuan ng PNP na marami sa mga pulis ngayon ang bagsak sa kanilang BMI o Body Mass Index (BMI) dahil marami sa mga pulis ang tumaba dahil umano sa haba ng lockdown.

Ang BMI requirement ay bahagi ng physical fitness program ng PNP.