November 5, 2024

LTO ON WHEELS BALIK SA PITX NGAYONG SABADO

GINAWANG mas accessible sa publiko ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO),  ang serbisyo ng LTO dahil sa pagbabalik ng LTO on Wheels sa PITX sa Sabado, Hulyo 10, 2021.

Ang LTO on Wheels ay isang public service project sa ilalim ng LTO’s E-Patrol Operations/Outreach Program na layong makaiwas ang publiko na makipagtransaksyon sa unauthorized individuals o “fixers.”

“We continue to forge these partnerships with different government agencies such as LTO to make government services more accessible not only to our passengers but to the general public,” saad ni PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador.

Ngayong darating na Sabado, hatid ng LTO ang sumusunod na serbisyo sa naturang site:

•             MV Registration Renewal

•             Smoke Emission Testing

•             Third Party Insurance (TPL)

Hindi na kakailanganin pa ng appointment. Maaring dumirekta sa 2nd floor, Gate 3, Bays 13 at 14 ang mga may planong kumuha ng serbisyo mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Isang araw lamang ang LTO on Wheels sa PITX. Bagama’t, sinabi ni Mr. Salbador na mayroon pang inaayos na arrangement upang ipagpatuloy ang operasyon ng LTO sa PITX.

“We’re hoping to make this a regular initiative between PITX and LTO. Moving forward, hopefully we can add more LTO services and extend their operations in the landport so more people can benefit from the project,”  wika ni Mr. Salvador.

“The landport now averages 50,000 to 60,000 daily foot traffic as more city and provincial routes are opened following the easing of restrictions in various destinations,” dagdag pa niya.