PORMAL nang idineklara ni Agriculture Secretary William Dollente Dar ang anim na bayan sa lalawigan ng Batangas bilang ASF Free o hindi na apektdo ng tumamang African swine Fever.
Tinanggap naman ng mga mayor mula sa mga bayan ng Taysan, San Jose, Nasugbu, Ibaan, Malvar at Lipa City ang kanilang sertipikasyon bilang mga lugar na wala nang ASF.
Pinunto ni Dar na ito ay nangangahulugan na puede na ulet magpadami ng kanilang mga alagang baboy ang mga hog raisers sa mga nabanggit na lugar na inilagay sa red zone at at pink zone at ngayon ay nasa yellow zone. o yung mga ASF free areas kung saan magsisimula na ring sumiglang muli ang negosyo ng babuyan sa Batangas at iba pang mga lugar.
Ang mga ganitong deklarasyon aniya ay nagpapatunay na bumababa ang outbreak African Swine Fever sa bansa.
Samantala, meron na rin aniyang nakahandang ayuda sa mga displaced hog raisers sa Batangas kung sakaling magkakaroon man ng malakas na pagsabog ang bulkang Taal.
Ayon pa rin kay Dar na walang masyadong naging epekto ang nangyaring fish kill sa Batangas noong mga nakaraang Linggo dahil na rin sa malaking produksyon ng isdang nanggaling sa Taal Lake.
Sinabi pa ni Dar na pinag-aaralan na rin ng NDDRMC ang sitwasyon ng Bulkang Taal kung maari nga bang ilagay sa state of calamity ang mga apektadong lugar. (KOI HIPOLITO)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA