SAN ROQUE, ANTIPOLO – Timbog ng mga ahente ng Bureau of Immigration ang isang French national na wanted sa kanilang bansa dahil sa sekswal na pang-aabuso sa mga menor de edad.
Naaresto ng mga operatiba ng BI’s Fugitive Search Unit si Pascal Didier Gillot, 53, sa kahabaan ng Masangkay St. sa San Roque, Antipolo.
Subject si Gillot ng isang Mission Order na inisyu ni BI Commissioner Jaime Morente dahil sa pagiging banta nito sa public safety at security dito sa ating bansa.
“We recently received information from French authorities that Gillot is wanted in France, and is the subject of a warrant of arrest for rape cases on children,” ani ni Morente.
Maliban dito, napaulat ding subject si Gillot ng interpol red notices dahil sa sexual abuse ng 15 years old sa pamamagitan ng person of authority, at dahil sa paulit-ulit na pagtatangka kunin ang isang bata mula sa pangangalaga ng kanyang legal guardan, na parehong paglabag sa French Penal Code.
Nang berepekahin ang records ni Gillot, napag-alaman din na siya ay isang overstaying alien.
Sa ngayon ay nakaditine na siya sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig habang inaayos ang kanyang deporation proceedings.
More Stories
IKA-85 ANIBERSARYO NG QCPD IPINAGDIWANG
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest