Umabot na sa 47 militar ang namatay sa nangyaring pagbagsak ng Philippine Air Force C-130 plane sa Patikul, Sulu, ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Maj. Gen. Edgard Arevalo ngayong Lunes.
Sa panayam sa DZBB, sinabi ni Arevalo na tatlong sibilyan din ang nasawi, kaya umabot na sa 50 ang overall death toll.
Samantala, 49 na sundalo ang nasugatan sa insidente.
Papunta sana sa Sulu ang C-130 plane na may sakay na Philippine Army troops para tumulong na makipaglaban sa terorismo.
96 pasahero ang lulan ng bumagsak na eroplano.
Sinasabing sinubukan lumapag ng eroplano pero lumampas ito sa Jolo airport runway.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE