Pumanaw na si baseball at hockey agent Tom Reich sa edad na 82-anyos. Nalagutan siya ng hininga sa Cedars-Sinai Medical Center sa Los Angeles. Na-diagnosed siya dahil sa pancreatic cancer noong December 2019 pa.
Nakilala siya sa pagtulong sa mga players na sumahod ng multimillion dollar sa early years ng kanilang free agency.
“Tom Reich was among the preeminent player representatives of his era,” ani Major League Baseball Players Association sa statement.
“Players and our union benefited from both his keen intellect and wise counsel over many decades,” ayon sa MLB.
Ang undersized na si Reich ay nag-aral ng law sa University of Pittsburgh. Gayundin sa Duquesne’s law school. Naging abogado siya ng Pittsburg. Nagsimula siyang maging agent noong 1970.
Pinirensta niya ang pitcher Dock Ellis na mayroon lamang $13,000 salary. Noong mga panahonng iyon ay nakikipaglaban ang mga players upang maging free agency.
Kabilang sa kanyang early clients Dave Parker, John Candelaria at Manny Sanguillen of the Pirates. Ang kanyang mga first stars ay sina Joe Morgan na naging Hall of Famer at nananatiling lifelong friend.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo