Butas ng Bulkang Taal tatakpan daw ng Pangulo.
MANILA – Hindi natuwa si Senator Panfilo Lacson kay Pangulong Rodrigo Duterte matapos magbitiw ang huli ng biro tungkol sa “nakamamatay na crater” ng Bulkang Taal sa gitna ng pag-alburoto nito.
“While people are panicking and serious evacuation work is ongoing in some Cavite and Batangas municipalities threatened by the eruption of Taal Volcano, making fun of its deadly crater is not funny,” saad ni Lacson sa tweet.
Ganito rin ang naging komento niya sa panayam sa Teleradyo. Aniya, hindi nababagay sa isang lider ng bansa na magbitiw ng jokes sa panahon na nanganganib ang buhay ng mga Filipino.
Matatandaan sinabi sa inagurasyon ng Light Rail Transit 2 East Extension Project ng Pangulo noong Huwebes, na kanyang tatakpan ang butas ng Taal Volcano matapos itong isailalim sa Alert Level 3 at nagbuga ng isang kilometrong taas ng “dark phreatomagmatic plume.”
“At a time na seryoso yung evacuation dun sa Batangas at sa Cavite, hindi biru biru yung dinanas nila nung nakaraang taon na sumabog yung Taal, kaya nagpa-panic na yung mga tao and for a leader of a country to make fun of the deadly crater is not funny at all,” ani Lacson.
“Dapat may assurance na ‘Wag kayong mag-alala dahil ang gobyerno nandiyan para tulungan kayo kung ano man yung mangyari sa Taal. Pero to make fun or make light of the situation there, parang sa tingin ko di nararapat na manggaling sa bibig ng isang Pangulo,” dagdag niya.
More Stories
IKA-85 ANIBERSARYO NG QCPD IPINAGDIWANG
DEP ED TANAY SIKARAN HIGHLANDERS BEST BETS PAPAKITANG GILAS NGAYON SA RIZAL PROVINCIAL MEET
Bachmann ng PSC, Reyes ng PCSO papalo sa Plaridel golfest