Kumasa si international boxing icon Sen. Emmanuel “Manny” Pacquiao sa hamon ni Pangulong Rodrigo Duterte na patunayan ang mga alegasyon sa korapsyon.
“Tinatanggap ko ang hamon ng Pangulong Rodrigo Duterte. Salamat po at binigyan nyo kami ng pagkakataon na tumulong sa inyo at bigyan kayo ng mga impormasyon para kampanya kontra korapsyon,”ayon kay Pacquiao.
Sinabi ni Duterte noong Lunes na pangalanan ni Pacquiao ang mga korap na tanggapan ng gobyerno upang patunayan na hindi siya namumulitika para sa pararating na presidential election sa susunod na taon.
“Ang Pangulo mismo ang nagbanggit sa kanyang pahayag noong October 27,2020 na lalong lumalakas ang korapsyon sa gobyerno. In his own words sinabi niya na ‘I will concentrate the last remaining years of my term fighting corruption kasi hanggang ngayon hindi humihina lumalakas pa lalo.’ Mr. President I feel the same way,” saad ni Pacquiao sa isang statement.
“Mawalang galang po mahal na Pangulo, ngunit hindi ako sinungaling. May mga naging pagkakamali ako sa buhay na aking itinuwid at itinama nguni’t dalawang bagay ang kaya kong panghawakan. Hindi ako tiwali at hindi ako sinungaling,” dagdag pa niya.
“Magsimula tayo sa DoH (Department of Health). Silipin at busisiin natin lahat ng mga binili mula sa rapid test kits, PPE (Personal Protective Equipment), masks at iba pa. Handa ka ba Secretary Francisco Duque [3rd] na ipakita ang kabuuan ng iyong ginagastos? Saan napunta ang pera na inutang natin para sa pandemya?”tanong ni Pacquiao.
“Nakakalungkot na sa isyu ng korapsyon kami magtatalo, dahil ang kailangan ng bansa ay mga lider na magtutulungan laban dito,” dagdag pa niya.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna