MANILA – Sa ikatlong sunod na taon, muling nakatanggap ng highest audit rating ang Office the Vice President (OVP) mula sa Commission on Audit (COA).
Muling ginawaran ng state auditors ng “unqualified opinion” ang OVP dahil sa patas na presentasyon nito ng financial statement para sa Fiscal Year 2020.
Ang unqualifed opinion ang pinakamataas na markang iginagawad ng COA sa mga ahensya ng gobyerno na maayos na nakapag-presenta ng impormasyon ukol sa mga nagastos nito sa loob ng isang taon.
“In our opinion, the accompanying financial statements present fairly, in all material respects, the financial position of OVP as at December 31, 2020, and its financial performance, statement of cash flows, statement of changes in net assets/equity, statement of comparison of budget and actual amounts for the year then ended, and notes to the financial statements, including a summary of significant accounting policies in accordance with International Public Sector Accounting Standards (IPSASs),” nakasaad sa Independent Auditor’s Report noong June 15.
Nagpasalamat si Vice President Leni Robredo sa pagkilala ng COA. Pati na sa mga staff ng kanyang tanggapan.
Ayon sa bise presidente, patunay ang pagkilala sa pagpapahalaga ng kanyang tanggapan sa maayos na sistema, lalo na sa paggamit ng pera ng taong bayan.
“Mahalaga ang recognition na ito dahil patunay siya sa pagpapahalaga natin sa pagsasaayos ng ating mga sistema, lalo pagdating sa maayos na paggamit ng pera ng bayan,” ani Robredo.
Mula nang pumutok ang COVID-19 pandemic, isa ang OVP sa mga unang naglunsad ng mga programa para matulungan ang mga healthcare workers, na-stranded na indibidwal sa Metro Manila dahil sa lockdown, at mga sinalanta ng bagyo sa Bicol region noong Nobyembre.
Kamakailan nang maglunsad din ang tanggapan ni Robredo ng mga programa para makatulong sa COVID-19 testing at pagtuturok ng bakuna.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY