November 5, 2024

100 NAVOTEÑO FISHERFOLK NAKATANGGAP NG BANGKA AT LAMBAT


Umabot sa 100 rehistradong Navoteño fisherfolk ang nakatanggap ng 30-footer fiberglass boats at fishing nets mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas kung saan pinangunahan ni Congressman John Rey Tiangco ang ginanap na turnover kasabay ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. (JUVY LUCERO)

Nakatanggap ng 30-footer fiberglass boats at fishing nets mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pamumuno ni Mayor Toby Tiangco ang nasa 100 rehistradong Navoteño fisherfolk.

Pinangunahan ni Cong. John Rey Tiangco ang ginanap na turnover kasabay ng ika-14 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas.

Nauna rito, 448 fisherfolk din ang nakatanggap ng 540 fishing nets na may iba’t-ibang sukat.

Ang mga benepisyaryo ng fiberglass reinforced plastic (FRP) boats ay sumailalim sa training sa boat construction, repair, at maintenance na isinagawa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Matapos ang training, nagtayo sila ng kanilang sariling mga bangka gamit ang mga materyales na pinondohan ng pamahalaang lokal at 13hp engine, fittings, at iba pang gamit na ibinigay ng BFAR.

“We started the NavoBangka-buhayan program in 2018 in partnership with DA-BFAR and we saw how it helped our fisherfolk gain a sustainable livelihood. Hopefully, we will have our next batch soon,” ani Tiangco.

Ipinaalala din ng mambabatas sa mga benepisyaryo na tulungan panatilihing malinis ang kapaligiran.

“As a fishing community, we depend on our seas and oceans. It is crucial that we protect our waters and our environment from pollution and destruction,” paalala niya.

Ang Navotas ay mayroong 9,000 rehistradong mangingisda. Ang mga benepisyaryo sa NavoBangka-buhayan program ay may kasamang mga rehistradong mangingisda na itinuturing na “poorest of the poor.” Kinakailangan silang sumailalim at makapasa sa drug test, at dapat mapanatili good moral standing.