Nakatakas ang Phoenix Suns sa isang close game kontra Los Angeles Clippers. Binarbekyu ng Suns ang Clippers sa iskor na 84-80 sa Game 4 ng Western Conference Finals.
Kaya naman, tangan ng Suns ang commanding lead na 3-1 sa best-of- series. Binuhat ni Deandre Ayton ang Phoenix sa pagtala ng double-double performance.
Bumuslo si Ayton ng 19 points, 22 boards at 4 blocks. Nag-ambag naman si Devin Booker ng 25 points, 2 boards at 2 steals. Si Chris Paul naman ay bumira ng 18 points, 4 boards at 7 assists.
Sa panig naman ng Clippers, bumanat si Paul George ng 23 points, 16 boards at 6 assists. Si Reggie Jackson naman ay kumana ng 20 points at 5 boards.
Dahil sa panalo, tatangkain ng Suns na tapusin na ang serye sa kanilang homecourt sa Game 5. sa gayun ay makarekta na sila sa NBA Finals matapos ang 28 taong pagpupunyagi.
Huling nakatuntong sa Finals ang Suns noong 1993. Kung saan, nakaharap nila ang Chicago Bulls.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY