QUEZON CITY – Upang mapunan ang patuloy na lumalaking programa ng bakuna, inilunsad ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang bagong vaccine registration portal.
Ang QC Vax Easy ay isang city-assisted registration system para tumulong sa isinasagawang kasalukuyan registration process ng QC Protektodo Vaccination Program.
Maari namang magparehistro sa link na ito: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy
Sa ulat, sinabi ni City Administrator Michael Alimurung na tulong ito upang matulungan ang karamihan ng QCitizens na nagkakaroon ng suliranin sa pagpaparehistro sa programa.
“In light of the various difficulties that our people are experiencing in the barangay-assisted booking and online booking, this QC Vax Easy portal will aid us in registering QC residents and workers into the vaccination program,” ayon kay Alimurung.
Ayon sa QC government ang QC Vax Easy ay ipapakila ang kauna-unahang out registration na ang ibig sabihin na irerehistro at isusumite ang kanilang personal na impormasyon ay ibibigay sa iskedyul ng kanilang pagbabakuna depende sa kanilang kakayahang magamit ang vaccine supply. Ang pamahalaang lungsod ay uunahin ang registrants base sa kanilang priority group.
Bilang pagsalungat sa nakalipas na sistema ng registrasyon magkakaroon ng kanilang iskedyul at vaccination site ang QC Vax Easy ang mga tao ay irerehistro sa website at ang city health department at sila ay tatawagan para sa kanilang iskedyul at vaccination site malapit sa kanilang tinitirahan na maaari silang tawagan at ang vaccination site.
Kaugnay nito ang city government third-party partner eZconsult ay nilinaw ni Mayor Joy Belmonte na itoy bahagi ng alternatibo at dagdag na kasalukuyan registration na pagpoproseso. “Pending another round of online booking to test eZconsult’s system upgrade, we are offering QC Vax Easy as an option. With this new registration system, we are reducing the difficulty of manually booking your slots. Just register and wait for the city government to contact you for your schedule,” ayon pa kay Mayor Belmonte.
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON