Timbog ang isang dating job-order traffic enforcer na natanggal sa serbisyo matapos maaktuhan ng mga pulis na nanghuhuli ng mga motorist sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Mike Jefferson Santelics, 39 ng 103 Atis Road, Brgy, Potrero ay nakasuot pa ng uniporme ng Public Safety and Traffic Management Office (PSTMO) nang hulihin ng mga tauhan ng Station Intelligence Section dakong alas-10:35 ng gabi habang naninita ng mga nakamotor na dumadaan sa kahabaan ng P. Aquino Letre, Brgy. Tonsuya.
Sinabi ni Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) chief P/Maj. Ronald Carlos, dakong 10:20 ng gabi nang humingi ng tulong sa pulisya ang traffic enforcers na sina Allan Centron at Eliseo Dizon, kapwa ng PSTMO matapos nilang makita ang dating kasama na natanggal na sa serbisyo na naninita ng mga motorista sa naturang lugar.
Inatasan na ni Col. Barot ang mga imbestigator sa kaso na si PSSgt. Mardelio Osting at PSSgt. Diego Ngippol na alamin kung may mga reklamo ng pangingikil laban kay Santelics.
Ang suspek ay iprinisinta sa inquest proceeding sa Malabon City Prosecutor’s Office para sa kasong paglabag sa Article 177 of Revised Penal Code o Usurpation of Authority or Official Functions.
More Stories
Andres Bonifacio, Dangal at Bayaning Pilipino
Construction worker, tiklo sa P7.8 milyon shabu sa Caloocan
Kasabay ng pagpapailaw sa Christmas tree… NAVOTAS, BINUKSAN ANG BAZAAR, INILUNSAD ANG LIBRENG WI-FI