
PINAYAGAN na ni Manila City Mayor nitong Lunes ng hapon ang walk-in sa vaccination sites sa siyudad matapos mapaulat ang mababang vaccination turnout.
Ayon sa Manila Public Information Office, inilabas ni Moreno ang direktiba dakong alas-4:30 ng hapon.
Matatandaan na sinuspinde ng mg awtoridad noong Linggo ang pagtanggap ng walk-ins sa Maynila dahil sa mahabang pila at pagdagsa ng mga tao, na nagresulta para hindi masunod ang social distancing. Tanging ang mga may appointment na nakumpirma sa pamamagitan ng text ang makatatanggap ng bakuna.
Kasalukuyang pinangangasiwaan ng Maynila ang bakuna para sa medical frontliners, senior citizens, persons with comorbidities, essential workers, at indigent populations.
More Stories
2 PATAY SA SALPOKAN NG KOTSE AT BUS SA CALAUAG, QUEZON
TRIKE BUMANGGA SA POSTE: BABAE PATAY, 8 SUGATAN KABILANG ANG SANGGOL
KOREAN VOICE PHISHING SUSPECT, HULI SA PAMPANGA