METRO MANILA – Iginiit ng isang Health official na dapat panatilihin ng bansa ang mahigpit na border controls upang maiwasan ang banta ng mas nakakahawa at matinding Delta variant.
“Dapat ipagpatuloy lang ang mahigpit na border control o we can prevent that it reaches our community and it will have community transmission,” ayon kay Health Spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.
Muli rin nitong pinaalalahanan ang publiko na dapat sumunod sa minimum health protocols.
Pinaniniwalaan na ang Delta coronavirus, na unang nakilala sa India noong Pebrero, ay 60% na higit na nakakahawa keysa sa Alpha variant at maaring maging sanhi ng matinding sintomas.
Dapat ding asahan ng mga ospital ang pagdagsa ng mga pasyente na may COVID-19 kung kakalat ang Delta variant, ani ni Vergeire.
“Kapag nakuha mo ang Delta variant, ang probability na ma-ospital ka ay mas mataas,” aniya.
Ayon kay Dr. Soumya Swaminathan, chief scientist ng World Health Organization, maaring lumitaw ang Delta variant bilang nangingibabaw na coronavirus variant sa buong mundo.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY