November 24, 2024

MOBILE VOTER REGISTRATION APP ILULUNSAD NG COMELEC

PHOTO: PNA

MAGLULUNSAD ang Commission on Elections ng isang mobile application para sa voter registration sa Hunyo 15.

Ito’y para maabot ang kanilang na target na 4 na milyong bagong botante para sa 2022 national elections.

Ayon kay Commissioner Marlon Casquejo. imbes na mag-print o kumuha ng form sa Comelec registration sites, maaring i-download ng mga magpaparehistro sa pamamagitan ng kanilang smartphones ang mobile form sa (bit.ly/MobileFormApp). Maaring mag-apply ang mga user para sa voter registration kahit walang internet connection.

Mabubuo ang isang QR code pagkatapos matapos ang form. Kailangan itong i-save ng mga aplikante sa kanilang telepono at dalhin sa pinakamalapit na Comelec registration site para ma-scan at makuha ang kanilang biometrics.

Kabilang sa mga pupuwede may-apply sa pamamagitan ng aplikasyon ay ang:

  • Mga bagong aplikante
  • Kung may ita-transfer
  • Kung may reactivation
  • Kung may papalitan sa pangalan o kailangan ng correction ng entries.

Libre ang Mobile Registration Form App. Maaring itong i-share ng Android user sa pamamagitan ng SHAREit o ibang file-sharing application.

Nitong Hunyo 5, sinabi ng Comelec na nasa 59 milyon aplikante ang matagumpay na nakapagparehistro para sa 2022 national elections. Hanggang Setyembre 30 pupuwedeng magparehistro ang mga aplikante para makaboto sa Mayo 2022.