DAPAT handa ang presidential at vice presidential aspirant sa trabaho at harapin ang mga hamon mula sa nasabing mga posisyon, dahil walang “take 2” sa pagpapatakbo sa buong bansa, ayon kay Senate President Vicente Sotto III.
Ayon kay Sotto, na pinag-iisipang tumakbo bilang vice president, ang pagpapatakbo sa bansa ay hindi isang “learning experience.” Dapat ay mayroong programa ang mga susunod na lider para tugunan ang mabigat na problema ng bansa, dagdag niya.
“Hindi pwedeng Take 2, na kapag nanalo ka saka ka lang mag-iisip ng gagawin mo. Doon ka pa lang mag-aaral. Dapat ready ka na pagsampa mo. Ito ‘yung mga posisyon sa gobyerno na hindi pinag-aaralan kapag nakaupo ka na,” saad ni Sotto sa isang pahayag.
Dagdag niya: “Hindi mo pwedeng pag-praktisan ang pagka-pangulo at bise-presidente. Ang mali mo ay makakaapekto sa lahat ng Pilipino. Kung baga sa laro walang ‘ulit,’ walang ‘Take 2’ o ‘Take 3.’ Hindi ganyan ang inaasahan ng taumbayan sa kanilang mga lider.”
Mahusay aniya na track record at magandang karanasan sa pulitika ang ilang sa panuntunan na dapat gamitin ng mga botante sa pagpili ng dalawang pinakamataas na lider ng bansa para sa susunod na halalan.
Aniya, nakatakda nitong ihahayag ang susunod na hakbang sa pulitika matapos makumpleto ang konsultasyon sa ilang sektor kabilang, pero hindi limitado sa mga beterano sa pulitika, party mates, consumer groups at retiradong miyembro ng militar at pulisya.
Kung makapagdesisyon na tumakbo, kanyang susuportahan ang presidential candidacy ni Sen. Panfilo Lacson.
Pumapangalawa sa listahan ang pangalan ni Sotto na napipisil bilang vice presidential candidate sa 2022 election, ayon sa Pulse Asia survey na isinagawa noong Pebrero 22 hanggang Marso 3, 2021.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY