November 24, 2024

NIKOLA JOKIC NG DENVER NUGGETS, HINIRANG BILANG 2020-21 KIA MVP

Ipinagkaloob kay Nikola Jokic ang 2020-21 KIA NBA Most Valuable Player Award. Ito ang unang beses na nakatanggap ang award ang isang player ng Denver Nuggets.

Ang Serbian center din ang lowest-drafted player na pinarangalan ng Maurice Podoloff Trophy bilang MVP.
Si Jokic din ang unang player mula sa Serbia at international player na hinirang bilang NBA MVP.

Nakalikom ang 26-anyos na si Jokic ng 91 first-place votes at nakatipon ng 971 total points. Na mula sa global panel ng 100 sportswriters at broadcasters.

Gayundin sa Kia NBA Most Valuable Player fan vote. Karibal ni Jokic sa award sina Joel Embiid ng 76ers (586 points) at Stephen Curry (453 points). Nakabuntot naman si Giannis (348 points) at Chris Paul ng Suns na may 139 points.

Kabilang din sa European players na pinarangalan ay si Dirk Nowitzki (Germany) at Giannis Antetokounmpo (Greece).

Ang tinaguriang ‘ The Joker’ ay nakahanay bilang second-round pick at 41st overall. Na pinili ng Denver Nuggets noong 2014 NBA Draft.

Ang lowest drater players na hinirang bilang MVP’s ay sina Antetokounmpo at Steve Nash. Ang dalawa ay pawang selected bilang 15th overall pick sa kanilang respective drafts.