Pinabulaanan ng pamahalaang lungsod ng Muntinlupa na walang special treatment sa pamilya ng aktor na si Aga Muhlach para sa kanilang 1st dose na bakuna sa Muntinlupa City.
Ayon sa public information office residente ng lungsod si Aga muhlach at nakapag parehistro narin umano sila para sa A3 tatlong linggo na ang nakalilipas. Ipinakita din umano nila ang mga Medical Certs mula sa isang pribadong ospital sa Muntinlupa.
Nakatanggap din sila ng text message para sa confirmation ng kanilang schedule noong Lunes kasama ang iba pang tatanggap ng 1st dose mula sa mga barangay ng Alabang, Cupang, at Ayala.
Nakikipag-ugnayan na rin ang Muntinlupa City Health Office sa DILG kaugnay sa naturang isyu.
Sumunod din daw sa tamang proseso at nakapila din ang pamilya Muhlach.
Marami na rin umanong celebrities at kilalang pulitiko, malalaking negosyante, maimpluwensya tao ang nakatira sa Ayala Alabang ang nabakuhan subalit wala naman daw isyu tungkol sa kanilang pagbabakuna.
Iginiit ng Muntilupa LGU na ang vaccination ng lokal na pamahalaan ng lungsod ay para sa lahat at walang pinipili mahirap man o mayaman.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY