Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar, ang malalim na imbestigasyon sa nangyaring pamamaslang nuon nakaraang biyernes June 4, 2021 sa isang media executive na taga General Santos City.
Pahayag ni PGen. Eleazar, “Mariin po nating kinokondena ang insidenteng ito. Ihave directed the local police to thoroughly investigate this killing and launch manhunt operations against the perpetrators of the crime.”
Matatandaan na hinarang at pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek sakay ng hindi naplakahan na motorsiklo ang sasakyang Mitsubishi Expander (SUV) na may plakang MAH 6729 sakay ang biktimang si Yentez “Yenyen” Quintoy, 34, nagtatrabaho bilang Executive Officer at Chief of Staff sa Brigada Group of Companies, habang pauwi ng kanilang bahay sa Park Masunurin, Brgy. San Isidro ng General Santos City at dead on arrival ito sa ospital.
Sinabi din ni Eleazar na “Mahalaga na makipagcoordinate agad ang ating pulisya sa mga kaanak ng biktima at sa kanyang mga ka-trabaho, para malaman at matrace natin kung mayroon ba siyang kaalitan o kung nakatanggap ba siya ng banta sa kanyang buhay bago ang kanyang pagkakapaslang,”.
Umapela din ang PNP Chief sa mga posibleng nakakita sa pananambang at pakamatay ng biktimang si Quintoy, na lumutang na at makipagtulongan sa mga awtoridad para sa mabilis na paglutas ng kaso.
May nakalaan din umanong halagang P1,000.000 ang ibibigay ng Brigada sa sinuman makakapagbigay ng tamang impormasyon para makilala at maaresto ang mga nasa likod ng pagkamatay ng biktima. Inatasan na rin ng PNP Chief ang mga kapulisan na lalo pang paigtingin ang police visibility para maiwasan ang paglaganap ng mga ganitong krimen at masiguro ang seguridad ng publiko laban sa mga masasamang elemento. (KOI HIPOLITO)
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE