November 18, 2024

Lockdown sa 31 Barangay sa Lungsod ng Maynila, isasagawa

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nabibiktima ng corona virus, isinailalim sa hard lockdown ang 31 barangay sa Lungsod ng Maynila.

Batay sa linagdaang Executive Order 31 ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, nagsimula ang hard lockdown sa 31 barangay mula alas-12 ng umaga   Hulyo 4  na tatagal ng hanggang alas-11:59 ng gabi ng Hulyo 5.

Salig sa EO 31 ng alkalde, lahat ng residente sa 31 barangay ay hindi maaaring lumabas sa kanilang mga tahanan.

Layon ng kautusan na matutukan,  mabantayan  at makontrol ang pagkalat ng mapanganib na corona virus o covid 19.

Maaari lamang makalabas ng tahanan ang mga frontliner sa lugar gaya ng law enforcers, health workers, delivery ng basic essentials gaya ng mga pagkain at ang mga mamamahayag na pinapayagan ng IATF PCOO bilang media frontliners.

Sa rekord ng Manila Health Department, mayroon ng 147 na coronavirus sa 119 na tahanan sa 41 barangay.

Kabilang sa mga barangay na mailalagay sa ilalim ng lockdown ay ang mga sumusunod:

District 1:  Brgys. 20, 41, 51, 56, 66, 96, 97, 101, 106, 116, 118, 120, 128, 129;

District 2:  Brgys. 163, 173, 180, 185, 215;

 District 3:  Brgys. 275, 310, 343, 380;

District 5:  Brgys. 649, 724, 766, 775, 811;

 District 6:  Brgys. 836, 846, at 847.

Sinabi ni Moreno na lahat ng residente sa 31 barangay ay hindi maaaring lumabas ng kanilang mga bahay maliban na lang sa mga sumusunod:

Health workers, military personnel, service workers (pharmacies, drug stores, and funeral homes), utility workers (energy, cable, internet, telecommunication companies, water, sanitation, and critical transport facilities including port operation), essential workers (goods delivery, food delivery, banking and money services), barangay officials; at ang mga miyembro ng media na otorisado ng  Presidential Communications Operations Office at ng  Inter-Agency Task Force.

All other commercial, industrial, retail, institutional and other activities not mentioned in above exemptions in the said district shall be suspended within the specified period of ECQ…

“Station commanders of police stations in the said barangays are hereby directed to employ and deploy officers and personnel in strategic locations and areas necessary for the effective implementation of the ECQ,” ayon sa Executive Order 31 ng Alkalde.