SWAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhanan ng shabu makaraang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita nang masita dahil walang suot na helmet sa Caloocan city, Sabado ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang naarestong suspek na si Mohammad Azis Macapuli, 22 ng Doña Aurora St., Brgy. 177, Camarin.
Ayon kay Col. Mina, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub Station 11 sa kahabaan ng Zapote Road, Brgy. 178, Camarin dakong alas-2:45 ng madaling araw nang parahin nila si Macapuli na sakay ng isang motorsiklo dahil walang suot na helmet.
Nang hanapan ng identification card ay pumalag umano ito at tinangkang tumakas subalit kaagad naman siyang napigilan ng mga pulis at naaresto.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,740 ang halaga. Kasong paglabag sa Art 151 of RPC at Section 11, Art II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Caloocan City Prosecutors Office.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY