November 24, 2024

MARGIELYN DIDAL, UMUSAD SA TOKYO OLYMPICS MATAPOS ANG SEMIS FINISH SA ROME TILT

Malaki ang tsansa ni Margielyn Didal na pumalaot sa Tokyo Olympics. Ito’y matapos magtapos ang reigning Asian Games skater sa 17th place sa semifinal ng 2021 World Street Skateboarding Championship sa Rome.

Tangong Top 8 skaters ang uusad sa final. Kung saan ay uukupa ang ilan sa kanila sa three automatic spots sa laro sa July. HIndi kasama roon si Didal.

Gayunman, malaki ang posibilidad na umusad siya sa final matapos magtala ng 6.40 points sa 2 runs. Pero, sumablay sa second part ng round.

Kahit na nagawa niya ang kanyang tricks, hindi pa rin siya pinalad na makapasok sa Super 8. Bagama’t nagawa niya ang 1.64, hindi niya nairampa ang next four attempts.

Nagtapos siya sa kabuuang 8.10 points. Gayunman, may posibilidad na pumalaot siya sa olympics. Lalo na kapag pinagsama-sama ang points na naitala niya sa mga akaraang competition.

Pero, ayon sa Skate Pilipinas, nakarekta na ang Cebuana skater sa Tokyo. Ito’y ayon kay federation head Carl Sembrano.

“Congratulations Margie! Mabuhay ka Margie!” anila.

Si Didal ay kasalukuyang nasa 13th spot sa World Skate Olympic Rankings. Kung saan ang Top 16 ang uusad sa olympics.