Inaasahang ang malaking ginhawa sa mga motorista ang natapos na 78M heavy maintenance project ng Cavitex Infrastructure Corporation (CIC) kasama ang Joint Venture sa ilang bahagi ng Manila-Cavite Expressway.
Sinimulan ang Heavy Maintenance Project nitong nakaraang Pebrero kung saan isinailalim sa rehabilitation ang mga sira sirang kalsada sa bahagi ng Longos, Bacoor Entry at Exit patungong CAVITEX at 1-km sa portion ng mainline carriage ng Wawa Bridge patungong Zapote Interchange (Cavite at Manila-Bound)
Sinabi ni Cavitex CIC President at General Manager, Roberto V. Bontia
Ngayong tapos na ang heavy maintenance project na isinagawa sa CAVITEX na mas maayos at ligtas na kalidad kung saan makatutulong ito para lalong mapaganda ang overall driving experience ng mga motorista.
Ayon kay Bontia bagamat may kahirapan anya ang sitwasyon dahil sa pandemya, patuloy pa rin ang ginagawang pag-invest sa mga proyekto para sa kaginhawaan at kaligtasan ng mga gumagamit ng expressway.
Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon, nakumpleto ng CIC at PRA subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC). ang road enhancement project nito para sa Segment 1 (R1 Expressway) kung saan nagsagawa ito ng road widening upang magkaroon ng karagdagang lane sa mga tulay ng Paranaque, Wawa, at Las Pinas.
Ang Cavitex ay kabilang sa road network na patuloy na binubuo ng MPTC at ito ay ikokonekta sa 7.7-kilometer C5 Link Expressway at 45-kilometer na Cavite-Laguna Expressway o (CALAX).
More Stories
RECTO NAKATANGGAP NG SUPORTA MULA SA LORD MAYOR NG LONDON
17 BuCor Custodial Inspectors graduate na sa Advanced Training Program
MGA PRODUKTONG GAWA SA BICOL, BENTANG-BENTA SA OKB REGIONAL TRADE & TRAVEL FAIR