Ibabalik ng WBA kay Senador Manny Pacquiao ang hinubad na welterweight title belt. Ayon kay WBA president Gilberto Mendoza, may possibility na isasauli nila kay Pacman ang ito.
Inalis kay Pacman ang title belt noong Enero dahil sa mahigit sa 90 days itong walang laban.
Kung kaya, hindi nito naidepensa ang titulo. Bagay na labag sa rule ng boxing organization.
Naihayag din ni Mendoza na nakipag-usap sa kanya si MP Promotions president Sean Gibbons. Ito’y humiling na sana’y ibalik ng World Boxing Association ang belt.
“(MP Promotions head) Sean Gibbons, who represents Manny, they’ve written a letter to be placed back in (as WBA “super” champion),” pahayag ni Mendoza saThaBoxingVoice.
Kaugnay dito, inaayos na ng WBA ang proseso upang maibalik sa People’s Champ ang title belt.
Dahil sa aksyon ng kampo ng fighting senator, kumikilos na ang WBA upang mapabilis ang proseso para ibalik sa Pinoy champion ang championship belt nito.
Kung matutuloy, maqikakasa ang uniication bout sa pagitan nila ni welterweight 2-division champion Errol Spence Jr.
Nakatakdang magsagupaan ang dalawa sa ikinakasang laban sa Agosto.
“
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY