November 24, 2024

FARMERS MARKET SA QC, ISA NANG CASHLESS PALENGKE

Magiging kauna-unahang cashless palengke na ngayon sa bansa ang Farmers Market sa Quezon City.



Inanunsiyo ng Araneta City na nakipag-partner na ito sa GCash upang ipatupad ang cashless transactions sa nasabing palengke.

Sa ilalim ng partnership, sinabi ng Araneta na maari nang tumanggap ang mga tindero ng bayad sa pamamagitan ng Scan to Pay (STP) feature sa pamamagitan ng kanilang QR technology.

Ayon sa GCash, kapag tuluyan nang naipatupad ang contactless payment sa Farmers Market, kailangan na lang gawin ng mga kostumer na may mobile wallet app na i-scan ang QR code sa Farmers Market stall para bayaran ang kanilang mga pinamili.

“We are pleased to partner with Araneta City in carrying out our very first cashless and contactless payment scheme in a public market. This is our way of helping create a safer and convenient retail environment both for our small entrepreneurs and the public consumers,” ayon kay GCash Enterprise Lead for Conglomerate Accounts Ana Bautista.

“As an essential establishment, Farmers Market has remained open to the public regardless of the quarantine classification imposed by the government,” saad ni John Castelo, Araneta City’s senior vice president for business development.

Samantala, hinimok ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga Filipino na lumipat na sa digital payment para i-minimize ang physical contact dahil sa banta ng COVID-19 pandemic.