
Naitabla ng Los Angeles Clippers ang serye sa 2-2 matapos ipitin ang Dallas Mavericks, 106-81. Bumida sa blow-out win ng Clippers si Kawhi Leonard sa Game 4.
Nagtala si Leonard ng 29 points,10 boards, 3 assists, 2 steals at 2 blocks. Tumulong nama si Paul George sa pag-ambag ng 20 points, 9 boards at 3 assists.
Kumana naman sa Dallas si Luka Doncic ng 19 points, 6 boards at 6 assists.
Samantala, sa iba pang laro, bumida ang trio ng Brooklyn Nets sa pagpilay sa Boston Celtics, 141-126 sa Game 4.
Umabot sa 104 points ang combined nina Kevin Durant, Kyrie Irving at James Harden.
Gumawa si Durant ng 42 points, 4 boards at 5 assists. Si Irving naman ay bumuslo ng 39 points, 11 boards at 2 assists. Si Harden naman ay tumira ng 23 points, 5 boards at 18 assists.
Nanguna naman si Jason Tatum sa Celtics sa pagbira ng 40 points, 7 boards , 5 assists at 2 blocks.
Dahil sa panalo, lamang na sa 3-1 sa series ang Nets.
More Stories
GSF TANAY RAVEN SIKARAN HANDA NA SA NATIONAL TILT
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
BOXING LEGEND GEORGE FOREMAN PUMANAW NA, 76